Vhong Navarro’s Camp Files Cases Against Deniece Cornejo, Cedric Lee and Others!


The camp of Vhong Navarro finally  files cases against the alleged masterminds of the assault and maul namely Deniece Cornejo, Cedric Lee, Mike and others.

deniece milinette cornejo and cedriccornejo speaks up

Here’s an excerpt of the report by GMA News, just tonight, January 27, 2013:

Naghain ng patung-patong na reklamo ang kampo ni Vhong Navarro sa Department of Justice (DOJ) nitong Lunes laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee at limang iba pa.

Ito ay kaugnay sa naganap na pambubugbog umano kay Vhong sa condominium unit ni Deniece nitong January 22 sa Bonifacio Global City sa Taguig City.

Ilan sa mga ihahaing reklamo ay serious physical injury, grave threats at extortion, ayon sa ulat ng “News TV Live.”

Anang ulat, ang abugado ni Vhong na si Atty. Dennis Manalo at manager na si Chito Roño ang nagsampa ng reklamo sa DOJ.

Matatandaang ipina-blotter ni Deniece si Vhong nitong nakaraang linggo matapos umano syang tangkaing gahasain sa loob mismo ng kanyang condominium unit.

Nabugbog si Vhong matapos umanong madatnan siya nina Cedric at mga kasama nito habang pinagtatangkaan ang 22-taon-gulang na dalaga.

Itinanggi ni Vhong ang paratang nina Deniece at Cedric at sinabing isang “setup” ang naganap.

Ngunit giit ni Deniece, na isang modelo at stylist, siya umano ang biktima sa nasabing insidente.

Kasalukuyang nasa ospital pa rin si Vhong matapos magtamo ng mga sugat at pasa mula sa pambubugbog sa kanya.  

Nauna nang pinabulaanan ni Navarro na may balak siyang di maganda kay Deniece. Aniya, si Deniece pa umano ang nag-imbita sa kanya sa kanyang condominium unit.

Imbestigasyon

Samantala, sinabi ni Senior Superintendent Roberto Fajardo, hepe ng Criminal Investgation and Detention Group – National Capital Region, na kasalukuyang iniimbestigahan ang insidenteng kinasasangkutan ng aktor.

“The case is being investigated by Taguig PNP. The case was initially brought to the attention of the Southern Police District. Ni-record nila and it will eventually [be] forwarded to the Taguig City Police Station now for the record,” ani Fajardo sa isang press conference nitong Lunes.

Bukod sa kriminal na aspekto ng kaso, titignan din umano kung may mga administratibong paglabag sa batas ang mga pulis na nag-asikaso sa blotter ni Vhong.

“Kasama sa invesitgation nun ‘yung criminal aspect at saka ‘yung administrative, kung sinunod ba ng pulis ‘yung procedures. If ever we found out na may pagkukulang ang pulis natin, we will initiate appropriate actions,” paliwanag nito.

Lehitimo umano ang citizen arrest ni ginawa kay Vhong, gayunpaman, hindi pa rin umano tama ang nagiing pambubugbog dito.

“Ang citizen arrest under a certain condition pwede ‘yun [basta] pagkaaresto turnover nila [sa pulis]… Now at first glance, di mo na masasabi kung sino ang bumugbog sa kanya, unless may file ng complaint at kailangan pa rin ng interview ‘yun,” paliwanag ni Deputy Director General Felipe Rojas.

“Whether citizen arrest o sa pulis, bawal mambugbog ng suspect,” aniya.

Samantala, kinuwestyon naman ni Fajardo na diumano’y nauuna pang magsalita sa media ang kampo ni Navarro bago ito maglagak ng reklamo sa pulis. Aniya, hindi aandar ang kaso kung walang nakahaing reklamo.

“Paano maga-act ang PNP na walang complain? Puro sila dakdak sa media. Ang gusto nga namin pumunta sila sa amin and we will be willing to assist them,” aniya.  Rouchelle Dinglasan/KBK, GMA News

About these ads

Share your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s