Teen Gen Cast Pressured On Working With Original TGIS Loveteam!


Aminado ang cast ng bagong youth-oriented show na Teen Gen na pressured silang pagbutihan ang pag-arte dahil magiging mga magulang ng ilan sa kanila ang sikat na TGIS loveteam na sina Angelu de Leon at Bobby Andrews. Sa ginanap na pocket interview noong November 21, isa-isang ipinahayag ng Teen Gen barkada sa GMANetwork.com ang kanilang nararamdaman sa pagsabak sa kauna-unahang show nila sa Kapuso network.

teen gen girls

“Nakakakaba, and ‘yung pressure talaga [malaki] kasi nga lahat sinasabi na ‘yungTGIS before sobrang big big show siya. For me nakaka-pressure siya but then thankful ako dahil nakuha ko yung role and nakaka-overwhelm [talaga],” says Dianne, who will play Angelu’s daughter Lyca.

Si Gianna Revilla naman, kahit hindi pa pinapanganak noong kasagsagan ng TGIS, ay aware kung gaano ito kasikat. “I wasn’t born yet so we were told na lang about it. Pero sa sinabi po ni Direk [Mark], super kinabahan [ako] pero sana po kayanin [namin].”
teen gen boys
Sumang-ayon naman dito si Sunyee Maluche. “Sabi nga nila super laki nga daw nung TGIS. Parang nape-pressure kami na galingan talaga namin para sumikat ulit, marevive ung TGIS.”

Ang parents naman ni Seth Isay ang naging source of information niya about TGIS. “Tinanong ko yung mga magulang ko [at ang] sabi nila ‘yun daw ang pinapanood nila tsaka one of the best youth-oriented shows [‘yun] nung time nila. Then ito po nag-conference kami at kinuwento sa amin ni Direk ‘yung background ng TGIS dati.”

Dagdag pa niya, “Siyempre po, sobrang pressure ‘yun for us, especially mga baguhan lang po kami sa industry unlike sila Tito Bobby at Tita Angelu. Sobrang dami nilang experience. Siguro [dapat] nakapaghanda din po kami para masabayan yung ine-expect nila sa amin ‘tsaka malabas yung fullest namin.”

teen gen 2012

Tulad ni Seth, sariling magulang din ang pinagtanungan ni Abel Estanislao. “Noong nalaman ko na TGIS pala ung pinag-auditionan namin, sinabi ko sa parents ko. Nagulat sila dahil sobrang laking show pala dati nun. Tapos ako, parang wala akong kaalam-alam na malaking show pala yung pinasok ko.”

Heartthrob-in-the-making Juancho Triviño believes sa sinabi sa kanila ni Direk Mark na mababawasan ang pressure kapag naging close na silang magkakasama sa show. “Sobrang bigat na pressure nung first time ko marinig ‘yun, pero katulad ng sinabi ni Direk Mark na maging close lang kami nung cast, magiging much easier ‘yung task namin. True enough naman nangyari ‘yun, nung naging close kami, ‘yung pressure unti-unting nawala at feeling ko, kapag nag-tape na kami every Sunday parang wala, parang barkada lang talaga.”

Isa naman si Gab de Leon sa mga nakaabot sa dating hit show. “May isang beses lang [akong nakapanood] pero naalala ko ng kaunti dati yung show, lalo na si Angelu de Leon at si Bobby Andrews so I know na very popular yung show.”

angelu_bobby_teengen

Unlike his co-stars, hindi niya daw iniisip ang pressure. “No pressure naman kasi if you put pressure in yourself parang maiilang ka, parang mahi-hinder mo ‘yung sarili mo. So I’m just here to do my job and have fun.”

Magkaiba naman ang nararamdaman ng Protégé winners na sina Jeric Gonzales and Thea Tolentino. “Bigla ako na-pressure sa amin ni Thea kasi kami ‘yung winner ng Protégé. Malaki ‘yung expectation ni Direk at saka ng mga tao na maganda yung ipapakita namin dito tapos [dito] i-aapply namin lahat ng natutunan namin sa Protege,” says Jeric.

“Hindi na lang po namin iniisip ‘yung pressure kasi pag mas inisip namin, hindi namin magagawa ng ayos ung role namin. I-eenjoy na lang namin, ipapalabas talaga namin yung talagang totoo para maging maganda yung kalabasan sa screen,” Thea shares.

Abangan sina Jeric Gonzales, Thea Tolentino, Juancho Triviño, Dianne Hernandez, Gianna Revilla, Sunyee Maluche, Seth Isay, Abel Estanislao, and Gab de Leon sa upcoming youth-oriented show na Teen Gen, simula December 16 na, after Party Pilipinas.

Source: http://www.gmanetwork.com/entertainment/gma/articles/2012-11-29/8218/Teen-Gen-cast-pressure-ba-dahil-kasama-sina-Angelu-at-Bobby

 

6 thoughts on “Teen Gen Cast Pressured On Working With Original TGIS Loveteam!

Share your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s