‘Liwanag ng Pasko: The 2012 ABS-CBN Christmas Special’ Airs This Saturday and Sunday!


Masasaksihan na ng Kapamilya viewers worldwide ang pinakaaabangang “Liwanag ng Pasko: The 2012 ABS-CBN Christmas Special” na ginanap kamakailan sa Smart Araneta Coliseum at kinatampukan ng pinakamalalaking bituin sa showbiz kasama pa ang mga big boss ng Kapamilya network. Ipalalabas ang two-part special na ito sa ABS-CBN ngayong Sabado (Disyembre 15) at Linggo (Disyembre 16) sa ganap na 9:30 pm.  

abs-cbn christmas special 2012 pic kapamilya stars2
Kasama sina Boy Abunda, AiAi de las Alas, Anne Curtis, Vhong Navarro, Robi Domingo, Venus Raj bilang hosts, inumpisahan ang Christmas special ng mapusong “Ang Kwento ng Pasko Noon at Ngayon” na inilahad ni John Lloyd Cruz at sinundan ng Christmas songs na tinugtog ng mga marching bands ng at ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na pinangunahan ni Maestro Ryan Cayabyab.


Lumiyab ang gahiganteng stage nang magrakrakan ang “ABS-CBN rockers” na sina Bamboo, Nyoy Volante, Sam Milby, Vina Morales, Paolo Valenciano, Jovit Baldivino, Karylle, Sam Concepcion, Yeng Constantino at Aiza Seguerra para sa isang medley ng mga sikat na rock songs na sinabayan ng lahat.


Si Mr. Pure Energy Gary Valenciano naman ang nanguna sa isang Christmas Gospel medley kung saan nakihataw sa kanya ang mga “Kapamilya kids” at ang Hail Mary the Queen Choir.
Nagpakitang-gilas naman ang Star Magic family sa handog nilang engradeng production number tampok ang paghataw sa kantahan at sayawan sa isang medley ng mga sikat na sayaw. Bilang pangwakas dito, si Jed Madela ay bumirit at umindak sa saliw ng hit Korean rap na “Gangnam Style” kasama ang mga “Kapamilya Comedians” kabilang sina Ryan Bang, Jayson, Melai, Pooh at Pokwang.


Nagdagdag kinang rin sa nasabing Christmas special  ang mga bida ng upcoming movies ng Metro Manila Film Festival 2012 na kinabibilangan nina Enchong Dee, Julia Montes at Enrique Gil para sa pelikulang “The Strangers;” Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo para sa “One More Try;” at Vice Ganda ng pelikulang “Sisterakas” na pinahalakhak ang audience dahil sa kanyang monologue na punong-puno ng punchlines.


Samantala, dumagundong naman ang Big Dome sa tilian ng fans sa isa-isang pag-akyat sa stage ng Kapamilya love teams kabilang sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at Enrique Gil ng “Princess and I;” Ella Cruz, Francis Magundayao at Paul Salas ng “Aryana;” Matteo Guidicelli at Jessy Mediola ng “Precious Hearts Romances presents Paraiso;” Maja Salvador, Enchong Dee, Kim Chiu at Xian Lim ng “Ina, Kapatid, Anak;” Jodi Sta. Maria at Richard Yap ng “Be Careful With My Heart;” Dawn Zulueta, Richard Gomez, Julia Montes at Paulo Avelino ng “Walang Hanggan;” John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at John Estrada ng “A Beautiful Affair;” at Piolo Pascual, Angelica Panganiban at Diether Ocampo ng upcoming teleseryeng “Apoy Sa Dagat.”

abs-cbn christmas special 2012 picsarah g angeline zsa abs-cbn christmas special 2012 pic kathniel enrique abs-cbn christmas special 2012  juday
Nangharana ang “Kapamilya singers” na sina Zsa-Zsa Padilla, Martin Nievera, Karylle, Richard Poon, Christian Bautista, Jericho Rosales, Sitti, Princess, Juris, Kean Cipriano, Aiza Seguerra at Zia Quizon at “Star Magic singers” na sina Jovit Baldivino, Vina Morales, K-La Rivera, JM Rodriguez, Yeng Constantino, Bugoy Drilon, Marcelito Pomoy, Jed Madela, Eric Santos, Carla Guevarra, Liezl Garcia at Angeline Quinto.


Inilunsad din sa programa ang “Kapamila Gift-Together,” kung saan magiging ‘connected’ pa rin sa loved ones abroad ang Kapamilya sa pamamagitan ng pagpapadala sa mga ito ng Christmas wishes ng mga mahal sa buhay nila na nandito sa Pilipinas. Ito ay unique at ika nga, ‘Kapamilya-style’  ng pagpadala ng gifts sa loved ones abroad.


Ang mga sumikat na awitin ng taon ay ipinerform nina Toni Gonzaga, KC Concepcion, Nikki Gil, Jhong Hilario, Iya Villania, Gab Valenciano, Jugz, Teddy at Gloc9 kung saan nakisayaw at naki-kanta ang audience.


Ang pinakamalakas na palakpak ay ibinigay sa special number ng world-class Filipina  diva na sina Lea Salonga, Lani Misalucha, Sarah Geronimo at Angeline Quinto na sa gabing iyon ay napagsama-sama sa kauna-unahang pagkakataon.


Hindi magkamayaw na  tilian naman ang idinulot ng segment ng “Kapamilya leading men” kung saan isa-isang kumanta ng love songs ng mga Pinoy 90’s bands ang mga gwapo at matitipunong lalaki na nag-alay ng card at bulaklak sa ilang piling babae sa audience. Ibinigay ni Piolo Pascual ang kanyang card at bulaklak kay ABS-CBN president and CEO-elect na si Charo Santos-Concio.
Hindi naman siyempre magpapahuli ang mga “Kapamilya leading ladies” na naghatid ng classic yet sexy dance number. Nag-alay din ng mga awitin ang “Dramatic Divas” na sina Maricel Soriano, Dawn Zulueta at Judy Ann Santos.


Sa gabing iyon din ipinakilala ang ilang mga bagong teleserye na magpapasaya sa lahat sa darating na taon–Ang “Kailangan Ko’y Ikaw” nina Robin Padilla, Kris Aquino at Anne Curtis; “May Isang Pangarap” ng mga bagong artistang bata na sina Sarah Labrosa at Julia Base, kasama rin sila Carmina Villaroel at Vina Morales; “Apoy Sa Dagat” nina Piolo, Angelica at Diether;  at “Juan dela Cruz” na pagbibidahan ng isa sa pinakapinagkaguluhan sa Christmas special na si Coco Martin.


Ilang mga VTR din ang ipinakita kung saan napaluha sina Pokwang at Goin’ Bulilit kids na dumalaw sa mga cancer patients. Ilang mga kababayan din sa ibang bansa ang bumati sa kanilang mga mahal sa buhay. Malayo man, naipaglalapit pa rin sila ng TFC.

abs-cbn christmas special 2012 PHOTO
Nagbigay ng makabuluhan at madamdaming speech tungkol sa tunay na diwa ng Kapaskuhan si ABS-CBN  president and CEO-elect na si Charo Santos-Concio na sinamahan sa stage nina ABS-CBN chairman and CEO Gabby Lopez at ABS-CBN channel 2 head Cory Vidanes na nakikanta ng Kapamilya Christmas jingle kasama ang mga Kapamilya stars at performers.


Damhin ang Kapamilya-style na Kapaskuhan, makisaya ngayong weekend sa  “Liwanag ng Pasko: The 2012 ABS-CBN Christmas Special,” na mapapanood na ngayong Sabado matapos ang “Maalaala Mo Kaya” at Linggo matapos ang “Sarah G. Live!” sa ABS-CBN.

Share your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s