Resolution to Ban Justin Bieber in Philippines Arises On the Grounds of Mocking Pacquiao!


Canadian superstar Justin Bieber will face an appeal for ban resolution in the Philippines by some house representatives after he posted Instagram photos that mocking People’s Champ Manny Pacquiao!

pacquiao vs bieber mocking instagram photos2

Isusulong ng ilang kongresista ang isang resolusyon laban sa Canadian pop star na si Justin Bieber dahil sa pag-insulto umano nito sa Pinoy boxing icon na si Manny Pacquiao.

Sa resolusyon na pangungunahang ihain ni YACAP party-list Rep. Carol Jayne Lopez, nais niyang ipagbawal ang pagtapak sa bansa ni Bieber na nitong nakaraang Mayo ay nag-concert sa Pilipinas.

“Banning him (Bieber) will show how seriously we take our national pride,” ani Lopez na kabilang sa mga malapit na kaibigan ni Pacquiao, na kongresista ng Sarangani.

“It is also Mr. Bieber’s moral responsibility to have proper decorum as he is being idolized by millions of youth,” dagdag pa niya.

Matatandaan na matapos matalo si Pacquiao kay Juan Manuel Marquez nitong nakaraang Linggo, nag-post si Bieber sa Intargam ng mga larawan at komento na tila patama Pacquiao. (Basahin: Justin Bieber draws flak over Instagram posts on fallen Pacquiao)

Isa sa mga larawan ay nagpapakita sa Disney character na si Simba (sa The Lion King) na ginigising si Pacquiao nang matumba at mawalan ng malay matapos tamaan ng suntok ni Marquez.

Si Bieber ay kilalang tagasuporta ni Floyd Mayweather Jr., na kabilang sa mga posibleng makalaban ni Pacquiao.

Paglilinaw ni Lopez, hindi emosyon ang kanyang pinaiiral sa pangunguna sa paghahain ng resolusyon laban kay Bieber. Nais lamang umano niyang ipakita sa mga dayuhan – kahit pa sa mga sikat na kagaya ni Bieber – na pinapahalagahan ng bansa ang mga taong nagbibigay ng karangalan sa lahing Pilipino.

“Hindi nila puwedeng apihin o apakan ang Pinoy. We Filipinos don’t do it to our countrymen tapos sila pa na banyaga. MP (Manny Pacquiao) is not just another Filipino. He has become an icon and a source of national pride for all of us,” pagdiin ng kongresista.

Nagpahayag naman ng suporta sa ihahaing resolusyon ni Lopez si Manila Rep. Amado Bagatsing, pinuno ng House committee on games and amusement. Gayundin sina Reps. Sonny Angara (Aurora), Antonio Alvarez (Palawan), Seth Jalosjos (Zamboanga del Norte), Mark Aeron Sambar (PBA Party-list), at Rep. Alfredo Garbin (AKO Bicol party-list).

Naunang inihayag ni Pacquiao na hayaan na lamang at pinapatawad niya ang lahat ng nanlait sa nakagigimbal na pagkatalo niya kay Marquez. (Basahin: Manny Pacquiao quickly forgives Justin Bieber’s ‘distasteful’ jibes against him) –

– RP/FRJ, GMA News

One thought on “Resolution to Ban Justin Bieber in Philippines Arises On the Grounds of Mocking Pacquiao!

Share your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s