A Letter To Janine Tugonon [Female Version + Break-up Video on KrisTV]


Another letter had been mailed! This time it’s not for Jaypee Santos, but  dedicated to none other than Miss Universe 2012 1st runner-up Janine Tugonon who is reportedly enjoying the companionship of The Script front-man Danny O’Donoghue.

janine jaypee and danny o2

The said letter was posted and published by Irish JI on her Facebook account and on her blogsite (click here to view) respectively. It is the female version of the viral blog entry: http://blog.ajperez.org/?p=217 by AJ Perez which is A Letter To Janine Tugonon’s Ex Boyfriend.

A Letter to Janine Tugonon

Dear ‘teh Janine Tugonon,

Una sa lahat, gusto kong malaman mo na fan mo ako. Mega cheer ako sa ‘yo kahit na no’ng pre-pageant pa lang ng Miss U. Inabangan ko talaga live streaming no’n kasi ‘di naman in-air dito sa Pilipinas ‘yon. At alam mo, mas malakas cheer ko sa ‘yo no’ng mismong pageant na. Lalo na no’ng Q&A portion. Galing mo kaya no’n! Kaya kahit ‘di mo nasungkit ang minimithing korona, sobrang proud pa rin ako sa ‘yo.

Tanda ko pa nga na right after Miss U airing sa ABS-CBN, may live interview ang ex-dyowa mo ngayong si Kuya Jaypee Santos. At aaminin ko, gaya ng karamihan eh, talagang na-surprise ako. As in, napa-“weh?” ako. Haggard kasi si Kuya Jaypee no’n, parang magdamag na ‘di nakatulog kaka-pray na sana ay manalo ka. At habang ini-interview s’ya, tagos hanggang puso na naramdaman ko kung gaano s’ya ka-proud at kasaya para sa ‘yo. Alam mo ‘teh Janine, mas lalo kitang naging idol no’n! Kasi biruin mo, ang isang prinsesa ng kagandahang gaya mo ay umibig sa isang kumbaga ay “commoner” na gaya ni Kuya Jaypee. ‘Di ba ang sweet? ‘Di ba nakaka-inspire?

Mas lalo pa akong kinikilig sa tuwing ipinagtatanggol mo si Kuya Jaypee laban sa mga inggiterong frogs at froglets na ‘di matanggap na taken ka na at ‘yong iba naman eh, mga okray lang talaga. Nabasa ko pa nga na sinabi mo no’n sa isang interview mo sa ANC na ‘di mo naman kailangan ng isang “Brad Pitt” sa buhay mo kasi kung papipiliin ka between “mukha” at pagiging faithful ng isang tao, do’n ka na sa faithful. Dahil ang sabi mo pa, gusto mong buo ang magiging family mo hanggang sa pagtanda mo. (Read article here: http://www.abs-cbnnews.com/lifestyle/12/24/12/janine-tugonon-i-dont-need-brad-pitt) Wow! Sabi ko, “Go ‘teh! Fight for your true love!”

Pero biglang nagbago ang lahat no’ng pumutok ang balita. Nakipag-break ka raw ‘teh kay Kuya Jaypee! At ito ay dahil daw sa The Script lead vocalist na si Danny O’Donoghue! Tanong ko agad, “Anyare!?” At ‘yon nga, nag-explain ka sa “Kris TV”. (Watch video here: http://www.youtube.com/watch?v=f93AQlZkU2I) Sabi mo, may nangyari lang na ‘di mo inaasahan. Na-meet mo kasi si Danny sa concert ng banda niya dito sa ‘Pinas at nag-follow-an kayo sa Twitter. Simula no’n, sabi mo regular na kayong nagpapalitan ng Twitter at text messages. At dahil do’n, nag-away kayo ni ex. Nakipag-break ka.

‘Di naman kita masisisi. Pogi naman kasi talaga si Danny. Sikat. Ang ganda ng boses! At sabi mo nga, sobrang fan ka niya. Ako rin naman siguro eh, magkakaroon ng ganyang reaksyon kung magpapakita ng interes sa akin si David Archuleta. (Haha!) Kaso lang ‘teh, anyare do’n sa sinabi mo kay Kuya Jaypee na magiging faithful ka sa kanya kahit na anong gawin mo at kahit na sinong makilala mo sa buhay mo? Na sabi mo, si Kuya Jaypee na ang gusto mong makasama for the rest of your life? (Read article here: http://www.pep.ph/news/36881/janine-tugonon-tells-boyfriend-jaypee-santos-irsquom-gonna-be-faithful-to-you-kahit-sino-pang-ma-meet-ko-kahit-ano-pang-gawin-ko-sa-buhay-ko)

Sige, okay na ‘yon. Malay ko naman talaga sa relasyon niyong dalawa, ‘di ba? ‘Di ko naman kayo kilala personally. Pero ‘yong mga sinabi mo at reaksyon mo habang ini-interview ka ni Tita Kris sa show niya… ‘teh, ramdam na ramdam ko ang kilig mo kay Danny. Ang saklap lang kasi nando’n lang sa tabi mo si Kuya Jaypee. Pwede ka namang mag-“no comment” na lang sana. Kaso hindi. Alam mo ‘yon, ‘teh? Nawasak ang pagkalalaki ni Kuya Jaypee on national TV. Buti nga ‘di pumait ‘yong niluluto n’yong tinola. Ang nakakaloka pa, ‘di ka naman tinatanong ni Tita Kris o ni Sweet Lapus kung break na kayo. Ikaw itong biglang bumanat ng, “Honestly po kasi break talaga kami ngayon.” Solid ‘teh. In-announce mo talaga sa madlang people ang status n’yo habang nando’n din si Kuya Jaypee? Anyare!?

Tapos sabi mo sa Twitter, “Let’s not make assumptions please.” Eh, sino po ba ang unang nag-assume sa atensyong ibinibigay ni Danny sa ‘yo? Haaaaay. Sige, ‘teh. Sabi mo, you need time. Okay. Fan mo pa rin naman ako. Ang sakit lang talaga no’ng ginawa mo kay Kuya Jaypee. ‘Di makatarungan! *Insert “Breakeven” here* T.T

Video of Janine Tugonon Break-up With Ex Bf Jaypee Santos on KrisTV

8 thoughts on “A Letter To Janine Tugonon [Female Version + Break-up Video on KrisTV]

Share your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s