Elizabeth Oropesa’s Open Letter to Mar Roxas Receives Positive Response From Netizens!


A new viral open letter from multi-awarded actress Elizabeth Oropesa to Mar Roxas regarding the latter’s feud to Tacloban Mayor Alfred Romualdez has gained a lot of attention from netizens!

elizabeth oropesa open letter to mar roxas

The open letter of Ms. Oropesa states that in times of calamity and disaster, helping our affected fellow countrymen must be prioritized and the officers in-charge must sets aside the political or family issues between parties.

“Pauna ko na po ang paghingi ng paumanhin sa mga maka-Mar Roxas.

“Hindi lang ako mapakali dahil kahit saan ko tingnan ay mali ang kanyang katwiran.

“Walang dahilan para pahirapan at huwag tulungan ang mga pobreng nasalanta ng bagyo, kahit sino pang Pilato ang nakaupo—kalaban man o hindi.

“Kung galit sila sa mga Romualdez, dapat parusahan nila ang mga Romualdezes!

“Hindi kailangan ang legalidad bago nila tulungan ang mga tao!

“Pare-pareho tayong mga Pilipino!

“Nakalimutan na ba ni Mar Roxas ‘yan?

“Sobrang pumapapel sa presidente na kung tutuusin at kung siya ay may puso at tama kung mag isip… hindi po ba napakagandang halimbawa kung ora mismo ay tumulong siya sa kalabang partido, alang- alang sa mga nasalantang kababayan?!!!

“Eh ano kung Romualdez yun at Aquino ang Presidente?

“Hindi ba Presidente siya ng lahat? Hindi ba sabi niya “Boss” niya tayo?

“Sana tama na ang palusot. Huli na eh! Nasaan ba ang puso mo sir?

“I’m sure meron naman kaya lang mukhang tumigas na at naluto sa ambisyon.

“Alam n’yo po, walang pulitika sa langit. Dedma rin sa apelyido.

“Ang importante ay kung paano ka magpatawad, magpakumbaba at tumulong ng buong puso at kaluluwa, hindi dahil sa pera o dahil sa boto.

“Nakita n’yo naman ang mga pinagdaanan ng LAHAT na presidenteng inabot ko.

“Si Apo Marcos..napakatalino! Pero ano ang nangyari sa talino at dami ng pera?

“Hindi rin niya nadala ng mamamatay siya.

“Marcos baby po ako at siya ang unang presidenteng nakilala ko.

“Sumunod ay si Ramos. Mukha bang masaya? Hindi rin.

“Si Pres Cory Aquino na ang sumunod.

“Ano po ba ang ikinamatay? Old age? Hindi po ba cancer?

“Kahit naging presidente, kahit naging hero ang asawang si B. Aquino, hindi pa rin nakaligtas sa cancer!

“Tapos si Erap. Sikat na artista at mahal ng masa. Kaso pumalpak din. Kulong!

“Si Presidente Gloria Macapagal- Arroyo..nakakulong pa rin.

“Oh?.anong pruweba pa ba ang kailangan?

“Hindi ba kahit sino ka, kahit gaano ka ka powerful..kahit ano pa ang apelyido mo hindi ka lulusot???

“Sana po, kayong mga may kapangyarihang tumulong sa kapwa, bigyan ninyo ito ng tamang pagpapahalaga dahil hindi kailanman natutulog ang Dios.

“Gamitin ninyo ng tama ang kapangyarihan at perang hawak ninyo para mailigtas ninyo ang inyong mga kaluluwa sa pamamagitan din ng pagtulong sa mga nangangailangan.

“Tama na po ang gantihan ng gantihan. Maawa na kayo sa atin.

“Nakakahiya sa Dios at nakakahiya sa mga bansang tumutulong sa atin.

“Hindi po ako nagmamalinis o nagmamarunong.

“Marami din po akong kamalian pero malayong gawin ko ang mga ginagawa ninyong mga kabastusan at kahiya-hiyang pakikitungo sa inyong kapwa tao.

“Yun lang po.”

Netizens took their part and responded positively to Ms. Elizabeth Oropesa’s Open Letter to Mar Roxas.

  • Rickyboy Astig

    tama po si miss elizabeth, kong tutuusin marami pang pwedeng salita na dapat sbihin sa lahat g nagyayri.. kya lng sino b nman ako.. di kilala, hindi mayaman, at lalong hindi celebrity.. so wla ring makikinig o magtsatsagang basahin kong skaling gumawa man kmi o ako ng open letter n tulad ng kay miss elizabeth..
    sana nmn sa panahon ng kalamidad o sa isang sakunang dumadating sa ating bansa gawin ang tama.. wlang sinisino, wlang pinipili at wlang pagbabalat kyo..
    tama si miss elizabeth kong sino ang kaaway ninyo, kasuhan nyo, gantihan ninyo.. total jan na tyo sanay sa gnyang bagay eh.. puro puro pansariling kapakanan.. pero sna po.. naiiisp ninyo n ang mga namatay, mga nawalan ng buhay, nawlan ng bahay, mga naulila o ang lahat ng taong nasalanta baka mas marami p pa ang nagtiwla at bomoto sa inyo.. at dapat sna yan ang itinatak niyo sa isipan nyo..

    NASAAN NA ANG PAGIGING MAKABAYANG PILIPINO NINYO..
    NASAAN ANG PANGAKO NINYO N PAGLILINGKURAN ANG MAMAYN?
    NASAAN ANG ANG INYNG KATUWIRAN?
    NASAAN ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN?

    ”NASAAN ANG TUWID NA DAAN?”

  • Oca Tolete Zaldy · Ateneo de Manila University

    hindi abogado,hindi doctor,hindi cpa.si la oropesa ay isang artistang pilipino.hindi ko alam kung nakapagtapos sa kolehiyo pero kahanga hanga ang kanyang pananaw.
  • Lope Cortez · Industrial Hygienist and Environmental Superintendent at TCJV

    Thank you Miss Elizabeth Oropesa well said. Common guys talked? Ang sabi ni Napoleon Bonaparte,
    The world suffer a lot not because of the violence of bad people but because of the silence of good people.
    Share you thought so that they will wake up while awake.
  • Edward Al Muñoz

    tama naman po si Ms. Elizabeth Oropesa sa ganitong panahon at pagkakataon dapat naman na hindi idamay ang mga taong nasalanta ng bagyo. May pinagdadaanan na po sila huwag naman po tayong maging sakim sa pagtulong sa kapwa nangangailangan. Huwag din po sana natin sila idamay sa hidwaan sa pulitika or apelyido ng mga nasabing partido. Nakaupo na po kayo sa pwesto na pinag hirapan at pinaglaban niyo at mayroon na po kayong kapangyarihan pero sana po gamitin po natin ito ng tama para sa mga tao hindi para sa pansariling kapakanan or kagustuhan niyo lang po.
  •  Ellenstar Arrocena Luz Valgomera – true..mar roxas sobrang pumapapel ka na…halata na ang ambisyon mo..sa mata ng Diyos walang pulitiko o mahirap lahat tayo pantay-pantay..nakakahiya ang ugali mo.
ANY REACTION READERS?

 

9 thoughts on “Elizabeth Oropesa’s Open Letter to Mar Roxas Receives Positive Response From Netizens!

  1. very well said ms elizabith, pero sa tingin kpo ay makakapal na mukha ng mga yan kya hindi na tatablan ng khit anung salita, at mar roxas maari pong nasa itaas kau ngaun at hawak nyo ang kapangyarihan, pero hindi po yan permaninte anu man po ang kapangyarihang tinatamasa nyo ngaun dadating ang panahon ay mawawala din sau yan, kea isip2 din po pag may time..peace

  2. Ang kikitid ngmga utak ninyo! Mar Roxas ginawa ng ating pamahalaan ang lahat ng tungkulin nila lalo na si MAR ROXAS! We support you Mr. Palengke at MsKorina!

  3. I swear no more Mr. Palengke in my list for next election! ZERO ka sa paningin ko! Kailangan ba talaga ng LEGALITIES sa pagtulong? My God mahiya tayo samga foreigners na tumulong sa ating mga kababayan sa Leyte at ibang parte ng Visayas! Ma konsesiya ka naman Roxas. Politika talaga!

  4. Thank you Ms. Elizabeth for opening your opinion regarding this non sense war between the two parties. Tama na ang hidwaan, magtulungan na lang tayo lalo na sa kababayan natin!

Share your thoughts!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s